Families of Victims of Involuntary Disappearance

NGO in Special Consultative Status with the Economic and Social Council of the United Nations

40th Anniversary of an enforced disappearance

Ang Philippine Alliance of Human Rights Advocates (PAHRA), Families of Victims of Involuntary Disappearance (FIND), Task Force Detainees of the Philippines (TFDP) Luzon members, Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML), Oriang, K4K-QC, at Partido Laka ng Masa, nagkasa ng candle-lighting activity ang Sanlakas para gunitain ang ika-40 anibersaryo ng sapilitang pagwala kina Fr. Rudy Romano at Levi Ybanez.

 

Sila Romano at Ybanez ay dinukot sa Cebu City ng mga pinaghihinalaang ahente ng militar dahil sa kanilang aktibong pag-oorganisa ng mga magsasaka, maralita at manggagawa. Ilan lamang sila sa daan-daang dinukot sa ilalim ng diktaduryang Marcos Sr.

 

Apat na dekada ang nakalipas, nagpapatuloy ang enforced disappearance ng mga aktibista at kritiko ng pamahalaan, mga tulad nila Romano at Ybanez na kumikilos para sa panlipunang pagbabago. Ito’y sa kabila ng pagsasabatas ng Anti-Enforced Disappearance Law o Republic Act 10353 noong 2012, ang kauna-unahang batas sa Asya nung taong iyon na nagkriminalisa ng sapilitang pagwala.

 

Hustisya para kay Fr. Rudy at Levi!

Hustisya sa lahat ng desaperacido!

Itigil ang sapilitang pagwala!